top of page

ABRASA MPC SPECIAL PROJECTS

   Ang ECO-V ay gawa sa purong dumi ng African Night Crawlers. Bulod sa mura, ito ay mabuti pa sa kalikasan dahil walang halong Kemikal. Wala itong mabahong amoy at nakakatulong sa paglaki ng mga halaman.
    Ito ay Third Party Cerftified ng BAFPS (Bureau of Agriculture and Fisheries Produc Standards) kaya ito ay siguradong purong Organic.
 
PARAAN NG PAGGAMIT:
PALAY- Gumamit ng 10 bags bilang basal sa huling pag-aararo kada hektarya.
MAIS- Gumamit ng 12 bags bilang basal sa pag tatanim.
GULAY- Maglagay ng isang dakot sa mga butas na itatanim.

1. Production and Contract Growing of Eco-V Organic Fertilizer and Eco-Plus

2. Cassava/Sorghum Production

         Ang Cassava o Kamoteng Kahoy ay maaring itanim sa kahit anong klase ng lupa maliban sa mga lupang maaring malagi ang tubig o binabaha.  Dapat itong maalagaan ng husto at maitanim sa magandang lupa upang magkaroon ng masaganang ani.

 
KATANGIAN NG KAMOTENG KAHOY
 

A. Ito ay maaring alagaan sa loob ng 8-12 buwan. Mabuting anihin tuwing maaraw upang hindi malagkit ang lupa.

B. Makakaani ng 40,000 kgs. At magkaroon ng malaking kita

C. Pwede rin itong gamitin para makagawa ng iba't-ibang pagkain tulad ng cake, chips, at iba pa.

D. Mayron itong 12 na mahalagang nutrients at vitamins na kinakailangan ng lupa.

      Ang eco-Plus ay gawa sa iba't-ibang farm/agricultural wastes na naiproseso sa tulong ng African Night Crawlers. Ito ay maaring gamitin sa kahit anong uri ng pananim tulad ng mais, palay, gulay, prutas, at mabisa ring gamitin sa pagpapatubo ng kabute.
 
PARAAN NG PAGGAMIT:
*Sa umaga: Bago umaraw (early morning)
*Sa Hapon: Kapg hindi na katirikan ng araw (late afternoon)
 
     Ang Isang litrro ng eco-plus ay maaring ihalo sa 15 litro ng tubig. Dahil ito ay walang halong kemikal, maari rin itong gamitin na hindi hinahaluan ng tubig at mabibili ito sa abot kayng halaga
eco-Plus Foliar Fertilizer
Ito ay pwedeng itanim sa kahit na anong klase ng lupa at kayang mabuhay kahit tagtuyot. ito ay magandang itanim tuwing buwan ng Setyembre hanggang Disyembre kung kailan ang lupa ay basa.
 
KATANGIAN NG SORGHUM
 
1. Makakaani ng 10 tolenada kada hektarya.
2. Katamtaman ang laki (152 cm or 5 feet)
3. Matibay laban sa mga peste at sakit
4. Maaring mahinog ang bunga sa loob ng 45-100 araw
bottom of page